PALPAK NA SERBISYO NG PRIMEWATER NG MGA VILLAR IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang joint venture agreement sa pagitan ng Bacolod City Water District (BACIWA) at Primewater dahil imbes na gumanda ang water service sa nasabing lugar ay lumala pa.

Sa House Resolution (HR) 909 na inihain ng nasabing grupo kahapon, nangyari na ang kinatatakutan ng water consumers sa Bacolod City dahil bukod sa humina ang tubig ay marumi pa umano ito mula nang magkaroon ng JVA ang BACIWA at PrimeWater, isa sa mga negosyo ng pamilya ni dating Senate President Manny Villar, noong July 2020.

Ayon sa nasabing grupo ng mga mambabatas, sinalubong ng protesta at pagtutol ang JVA sa pagitan ng BACIWA at PrimeWater dahil sa pangambang imbes na gaganda ang serbisyo ay posibleng maging dahilan ito ng pagtaas ng singil sa tubig tulad ng nangyari sa Metro Manila nang isapribado ng Metropolitan Waterworks ang Sewerage System (MWSS) ang serbisyo sa tubig.

“The fear of the consumers came true. Just more than a year after the takeover by PrimeWater, complaint of poor water service were received by the Bacolod City Sangguniang Panlungsod,” ayon sa resolusyon.

Bukod kasi aniya sa mahina ang tulo sa gripo ay may mga lugar na nawawalan ng serbisyo at may kulay pa ang ito, marumi at mabuhangin kaya pinagpaliwanag ng Bacolod City SP ang PrimeWater.

Hindi rin umano ni-remit ng PrimeWater sa BACIWA ang P30,936.914.32 bilang Net Usufruct Payment habang walang kasiguraduhan ang P292.48 million na dapat ilagak ng PrimeWater para sa itatayong proyekto dahil hindi nagbibigay ng report ng kumpanya kung magkano ang halaga ng kanilang mga proyekto. (BERNARD TAGUINOD)

218

Related posts

Leave a Comment