PAMANGKIN NI MISIS, SEX SLAVE NI MISTER

HINDI nag-aksaya ng panahon ang Alvarez Police Community Precinct ng MPD Station 3, at agad inaresto ang isang lalaki na umano’y ginawang sex slave ang 17-anyos na dalagitang pamangkin ng kanyang misis sa Sta. Cruz, Manila.

Isinelda ang suspek na isang 26-anyos delivery man makaraang madakip ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez PCP, sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila.

Salaysay ni biktimang si “Amor”, huling naganap ang panghahalay ng suspek sa kanya noong Mayo 7, 2023.

Una umanong dumaing ang dalagita sa kanyang teacher adviser na hindi na siya papasok at uuwi na lamang sa kanilang probinsiya.

Inusisa naman ng teacher adviser ang dalagita na nagtapat sa pamamagitan ng sulat, na paulit-ulit siyang hinalay ng suspek sa kanilang bahay.

Noon umanong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan nang una siyang pagsamantalahan ng kanyang tiyuhin.  (RENE CRISOSTOMO)

223

Related posts

Leave a Comment