PAMILYA NG 5 NAMATAY SA AKSIDENTE, HUMIHINGI NG TULONG

NUEVA ECIJA – Nanawagan ng tulong ang mga kaanak at mga kaibigan ng limang magkakapamilya na namatay sa isang car accident sa sa bayan ng Carranglan sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Namatay sa nasabing aksidente ang padre de pamilya na si Christopher de Loyola na siyang nagmamaneho ng kotseng sinasakyan ng mag-anak, nang makasalpukan ang isang truck sa national highway sa Carranglan.

Namatay rin sa aksidente ang maybahay nito at isang anak at ang lolo at lola ng bata.

Ayon sa report, pauwi ng Maynila ang mag-anak galing sa pagbabakasyon sa kanilang probinsya sa Cagayan nang mangyari ang aksidente.

Nakaligtas naman sa aksidente ang dalawang anak ng mag-asawa na isang 6-anyos na lalaki at isang 3-anyos na batang babae, kapwa na-confine pa sa ospital.

Kasalukuyang nakaburol pa ang mga biktima sa kanilang hometown sa Cagayan at nakatakdang ihatid sa kanilang huling hantungan sa Martes.

Hindi na rin aniya nakikipag-ugnayan ang may-ari ng nakasalpukang truck. Nasa kustodiya naman ng Carranglan Police Station ang driver ng truck. (NILOU DEL CARMEN)

44

Related posts

Leave a Comment