HINDI pa tatanggalin sa balota ang pangalan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro bilang kandidatong Congressman ng 2nd District ng lungsod.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, mananatili pa ring kandidato si Teodoro Hanggang hindi pa pinal ang desisyon ng En Banc.
Maari pa aniyang maghain si Teodoro ng apela para kwestyunin ang naging desisyon ng 2nd Division ng Comelec.
Si Teodoro ay dinisqualify ng Comelec matapos kwestyunin ni Sen. Koko Pimentel ang residency nito sa ikalawang Distrito ng Marikina. (JOCELYN DOMENDEN)
11