Pangunahing problema ng mga guro INTERNET SABLAY SA MGA PAARALAN

HINDI pasado sa public school teachers sa National Capital Region (NCR) ang internet services sa kanilang mga eskwelahan.

Ito ang nabatid mula sa Alliance of Concerned Teachers NCR Union na nagsagawa ng survey sa mga guro para kumustahin ang internet service sa kanilang paaralan matapos obligahin sila ng Department of Education (DepEd) na pumasok na at gawin ang online classes sa kanilang silid-aralan.

Sa survey na isinagawa umano ng grupo sa 9,254 guro, 8,106 ang sumagot ng “no” nang tanungin kung kayang serbisyuhan ng internet sa kanilang eskuwelahan ang lahat ng mga guro.

“This was the top issue raised by survey participants, followed by health risks in light of the still on-going pandemic, then by transportation concerns,” ayon pa sa nasabing grupo.

Hindi naman nila ito ipinagtataka dahil dalawang taong sarado ang mga eskuwelahan bunsod ng lockdown na ipinatupad ng gobyerno upang makontrol ang COVID-19 pandemic.

“Many of our schools don’t even have enough supply of clean running water, sapat na internet pa kaya para sa, halimbawa, 100 plus na guro kada eskwelahan?” dagdag pa ng grupo na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara.

Dahil dito, dumidiskarte na lamang umano ang mga guro para makapagturo ang mga ito tulad ng paggamit ng sariling internet data dahil hindi maayos ang internet service sa kanilang eskwelahan. (BERNARD TAGUINOD)

125

Related posts

Leave a Comment