PANIBAGONG PAGPASLANG SA ABOGADO IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

0

NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para kondenahin at imbestigahan ang pagpatay sa isa sa aktibong miyembro ng Bayan Muna na si Atty. Juan Macababbad sa Surallah, South Cotabato.

Sa House Resolution (HR) 2223 na inakda ng mga miyembro ng Makabayan bloc, inatasan ng mga ito ang House Committee on Human Rights na kondenahin at imbestigahan ang pagpatay kay Atty. Macababbad.

Base sa report, tinaniman ng mahigit limang bala si Macababbad sa katawan na karamihan ay sa ulo ang tama noong Setyembre 15, 2021 sa harap ng kanyang bahay sa Surallah, South Cotabato, ng dalawang hindi kilalang mga suspek.

Ayon sa Makabayan bloc, bukod sa pagiging vice chairperson ng Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao (UPLM) at miyembro National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), aktibong miyembro rin umano ng Bayan Muna ang pinaslang na abogado.

“He also serves as legal counsel to indigenous peoples, including teachers of indigenous schools and indigenous community members in the region, as well as for several political prisoners in the region,” ayon sa resolusyon.

Si Macababbad ang ika-58 na abogado at ikatlong NULP member na pinatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, hiniling ng nasabing grupo na imbestigahan ang pagpatay kay Macababbad at dapat din umano itong kondenahin dahil patuloy ang pag-atake sa mga nagtatanggol sa mga ordinaryong mamamayan.

“It is imperative for members of Congress, as representatives of our people, to defend the rights of our people and check on excesses and violations, especially in this time of crisis. It must bring perpetrators to account to put a stop to the killings and rights violations against its people. Laws and rules should serve the interest of our people and should not be weaponized to suppress their rights and oppress them,” ayon pa sa resolusyon. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment