Para graduates madaling matanggap sa trabaho SKILLS DEVELOPMENT SAGOT NI NOGRALES

(JOEL O. AMONGO)

HINDI angkop na hayaan na lang ng pamahalaan ang kinakaharap na problema sa hanay ng mga nais magkaroon ng trabaho – subalit patuloy na nabibigo dahil sa kakulangan ng ‘soft at practical job skills’ na karaniwang hanap ng mga employer sa mga aplikante.

Para kay Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na tumatayong chairman ng House committee on labor and employment, lubhang nakababahala ang sitwasyon ng mga aplikante sa kabila pa ng pagtatapos ng vocational course Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong kasagsagan ng pandemya.

Gayunpaman, iminungkahi ni Nograles sa pamahalaan na magkaroon ng tinawag niyang ‘bridging program’ para sa karagdagang skills na pantapat sa mga requirements ng mga kumpanyang tumatanggap ng aplikante.

“It might be a good idea for the government to provide an avenue where new graduates can fill their skills gaps, including in areas such as communication, teamwork, and critical thinking,” ayon sa kongresista.

Paliwanag ni Nograles, nahihirapan makapasok sa trabaho ang mga TESDA graduates na nagsipagtapos sa kani-kanilang vocational course noong kasagsagan ng pandemya, kasabay ng giit na nakukulangan ang mga employers sa kakayahan at kaalaman ng mga tinawag niyang ‘pandemic generation’ na sumailalim sa pag-aaral sa paraan ng online class.

“We need a national conversation on the job situation. Kailangan nating malaman kung ano ang mga pagkukulang, at ano ang maaaring gawin para mapunan ang mga ito. We need the inputs of all stakeholders concerned,” dagdag pa niya.

Pagtitiyak ni Nograles, magsasagawa ng pagdinig ang komiteng pinamumunuan niya sa hangaring malaman at matugunan ang kinakaharap na problema ng nagsipagtapos na bigong makapasok sa inaplayang trabaho.

Batay sa situational report ng Commission on Human Rights (CHR), lumalabas sa pag-aaral ng naturang ahensya na sadyang hirap makakuha ng trabaho ang mga nakapagtapos sa pamamagitan ng online class kung saan anila imposible ang pangangasiwa ng soft at practical skills.

Lumalabas din sa mga pag-aaral na dumaranas ng tinaguriang ‘culture shock’ ang TESDA pandemic generation grads dahil sadyang iba at malayo ang kaalamang nakuha sa online class kumpara sa dinatnang trabaho.

Kaugnay nito, nanindigan si Nograles na higit na kailangan panatilihin ang edukasyon sa talaan ng prayoridad ng gobyerno.

109

Related posts

Leave a Comment