PARAAN NG SURVEY NG PULSE ASIA PINUNA

UMANI ng batikos ang Pulse Asia dahil sa hindi scientific at sablay umano nitong paraan sa pagpili ng mga lugar kung saan kukuha ng respondents para sa mga election survey nito.

Sa kanyang column sa Manila Times, binatikos ni Al Vitangcol ang Pulse Asia, partikular ang pahayag ni pangulo nito na si Ronald Holmes sa isang panayam sa telebisyon ukol sa pagpili ng lugar kung saan huhugutin ang respondents.

Sinabi ni Holmes na hindi tinutukoy at pinag-aaralan ng Pulse Asia ang mga lugar kung saan kukuha ng respondents. “We did not get any respondents from Class A, B,” ani Holmes.

“In other words, they used simple random sampling (which is unreliable and unrealistic) instead of stratified sampling,” wika ni Vitangcol sa kanyang column, na nagsabi pa na dahil sa kapalpakang ito kaya palaging nag-te-trending ang hashtag na #FalseAsia kapag naglalabas ito ng bagong poll survey.

Iginiit ni Vitangcol na kung gumagamit ang survey ng random sampling, hindi ito puwedeng pagkatiwalaan. “To put it simply, it lacks accuracy and integrity,” aniya, na idinagdag pa na ang nasabing paraan ay “unscientific” at “flawed.”

Sinabi niya na dapat ibinatay ng Pulse Asia ang sample size nito batay sa laki ng isang lugar sa halip na gumamit ng random selection sa pagpili ng mga lugar.

Kinuwestiyon din niya ang pahayag ni Holmes na masyadong maliit ang Class A at B para mapabilang sa survey dahil isa hanggang tatlong porsiyento lang ito ng mga bumuboto.

“He was so wrong about this! No matter how small a stratum is, it should still be included,” ani Vitangcol.

Nabahala rin si Vitangcol na nakatuon lang ang Pulse Asia sa pagbebenta nito ng survey sa mga political group sa halip na magsagawa ng pre-election surveys na nakabatay sa  siyensiya.

Bago rito, sinabi in economist Andrew Masigan, sa kanyang column sa Philippine Star, na hindi lahat ng survey ay tama. Aniya, nagbibigay lang ito ng larawan kung paano sinasagot ng mga tao ang isang partikular na tanong. Sinabi pa niya na hindi pinapakita ng national surveys ang totoong nais ng mga botante.

Sa kabilang banda, sinabi ni Masigan na nalalaman ng Google Trends ang resulta ng halalan batay sa online behavior ng mga botante sa isang partikular na panahon.

72

Related posts

Leave a Comment