ISA na namang parangal ang naiuwi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte mula sa ibang bansa sa ginanap na 2023 Asia-Pacific Broadcasting + Awards sa Singapore noong nakaraang Hunyo 8, 2023.
Nasungkit ng QC Public Affairs and Information Services Department ang Excellence Award for Government Streaming para sa programang “Usapang QC” sa ginanap na 2023 Asia-Pacific Broadcasting+ Awards sa Singapore.
Ang “Usapang QC” ay ang kauna-unahang government-led bi-monthly talk show sa bansa na umeere sa Quezon City Government Facebook page at tumatalakay sa iba’t ibang serbisyo at programa ng nasabing lokal na pamahalaan.
Mismong si Mayor Belmonte ang tumanggap ng parangal kasama si Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD) head, Mr. Engelbert Apostol.
Ginawaran ng Excellence Award for Government Streaming ang Quezon City Public Affairs and Information Services Department (PAISD) sa prestihiyoso at kauna-unahang Asia Pacific Broadcasting+ Awards 2023 na ginanap sa Singapore noong gabi ng Hunyo 8.
Ito ay bilang pagkilala sa programang “Usapang QC”, ang kauna-unahang government-led bi-monthly talk show sa bansa na lumalabas sa Quezon City Government Facebook page.
Malaki ang naging tulong ng programa upang makapaghatid ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang serbisyo at programa ng ating lokal na pamahalaan.
Bukod sa QCPAISD ay tumanggap din ng apat na tropeo ang ABS-CBN, at tig-isa ang GMA-7, at ang Cignal TV. (JOEL O. AMONGO)
