PARESAN OWNER PINAGBABARIL, PATAY

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang pagkamatay ng isang may-ari ng paresan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa harapan ng kanyang tindahan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mharc Allen Sagano y Pollarco ng Brgy. San Miguel 1, Silang, Cavite, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng tindahan biktima na Kabayan Pares sa Aguinaldo Highway, Brgy. Lalan 1st, Silang, Cavite.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulo Co Dela Rea, hepe ng Silang Police Station, tinitingnang anggulo sa insidente ang umano’y hidwaan ng pamilya nito sa isang barangay chairman sa Callejon, Quezon kung saan nakatanggap ang biktima ng death threats mula sa hindi tinukoy na tao dahilan upang pauwiin ito ng kanyang asawa na nakatira sa Silang, Cavite.(SIGRED ADSUARA)

115

Related posts

Leave a Comment