PARTY-LIST COALITION NAGHAYAG NG SUPORTA SA LIDERATO NG KAMARA

SUPORTADO ng koalisyon ng mga party-list ang pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasabay ang pagpuri sa ginawa nitong paglipat sa mga tamang ahensya ng Confidential at Intelligence Fund (CIF).

Sa isang statement, sinabi ng Party-list Coalition Foundation, Inc. na suportado nila ang ginagawa ni Romualdez dahil bukod sa tumaas ang approval rating ng taumbayan sa Kongreso, nasiguro nito na lahat ng miyembro ay napapakinggan at naibibigay ang kahilingan ng kanilang constituents.

Pinapurihan ng grupo ang hakbang ni Speaker Romualdez sa paglipat ng CIF mula sa Office of the Vice-President, Department of Education (DepEd) at iba pang civilian agencies sa mga ahensya na nakatutok ngayon sa problema sa West Philippine Sea, tulad ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

“This decision showcases his prudent and thoughtful approach echoing our commitment as representatives to listen and to respond to the voices of our kababayan,” ayon pa sa isang pahinang pahayag ng koalisyon na pirmado ng mga opisyal nito.

Samantala, nagpasalamat naman si House Deputy Minority Leader at ACT Teacher Party-list Rep. France Castro sa suporta na ipinakita ni Romualdez at iba’t ibang political party leaders matapos siyang bantaan na papatayin ni dating Pangulong Duterte sa isang TV interview.

“I am grateful for the support and solidarity shown by House Speaker Romualdez and other party leaders during these challenging times,” ayon kay Cong. Castro.

Aniya pa, “this incident is a stark reminder of the dangers faced by those who dare to speak up and fight for the rights and welfare of the Filipino people”.

149

Related posts

Leave a Comment