NORTHERN SAMAR – Hinihinalang inanod sa dagat ang isang taon gulang na paslit matapos na iwan ng ina sa kanilang bahay na malapit sa dalampasigan sa Barangay 1, Poblacion, sa bayan ng Capul sa lalawigang ito.
Ayon sa Capul PNP at MDRRMO, iniulat ang pagkawala ng paslit na kinilalang si Kent Lorenz Oliverio, noong Sabado ng hapon.
Nabatid sa imbestigasyon, may pinuntahan ang ina ng paslit at iniwan ang anak sa loob ng kanilang bahay.
Ngunit pag-uwi nito, nadiskubreng wala na ang paslit na hinihinalang nakalabas at nagtungo sa dalampasigan.
Ayon sa MDRRMO, noong oras at araw na nawala ang paslit ay nakararanas ang lugar ng masamang panahon at malalaki ang alon sa dagat na epekto ng Low Pressure Area. (NILOU DEL CARMEN)
24