PASYENTE NALAGLAG SA OSPITAL, PATAY

 QUEZON – Binawian ng buhay ang isang pasyente ng Quezon Medical Center sa Lucena City makaraang mahulog mula sa ikatlong palapag ng nasabing ospital noong Martes ng hapon.

Ayon sa report ng Lucena City Police, malubhang napinsala ang ulo ng 42-anyos na biktimang si Exequiel Rioflorido, at nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Lumabas sa imbestigasyon, naiwang nag-iisa ang pasyente habang nag-aayos ng papel ang kasama nito para sa kanilang paglabas sa ospital.

Nagulat na lamang  ang mga nakakita nang bumagsak ito sa lobby sa ground floor mula sa overlooking area sa ikatlong palapag.

Ayon sa kapamilya ng biktima, na-confine ito sa ospital noong Oktubre 7 dahil sa sakit na low hemoglobin at papalabas na sana nang mangyari ang insidente.

Kinakitaan daw ito ng mga sintomas ng pagka-disoriented. Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkahulog nito. (NILOU DEL CARMEN)

11

Related posts

Leave a Comment