BINATI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panibagong batch ng Future Natin scholars mula sa Colegio de Montalban na tumanggap ng P15,000 per academic year sa ilalim ng programang Tulong Dunong ng CHED-UniFast.
Namahagi si Nograles ng tulong pinansyal mula Commission on Higher Education (CHED) na ang bawat mag-aaral ay tumanggap ng P25,000 bilang educational assistance.
Ayon kay Nograles, nagbunga ang kanyang pagsisikap sa Kongreso na mabigyan ng karagdagang pondo ang edukasyon para sa mga kabataan ng Montalban.
“Congratulations po sa lahat ng ating bagong scholars at nawa’y magamit at makatulong po sa inyo ang allowance na inyong natanggap upang mas pagbutihin pa ang inyong mga pag-aaral, at matagumpay na makapagtapos sa inyong mga kurso sa kolehiyo,” ani Nograles.
Bukod sa pagbibigay tulong ni Nograles sa mga estudyante ay patuloy rin ang kanyang pagtulong sa mga magulang sa pagbibigay ng puhunan.
Kamakailan, binisita ni Nograles ang Southville 8B, Brgy. San Isidro upang magbigay ng tulong pangkabuhayan at panimulang puhunan para sa mga nangangalakal at naghahakot ng basura, nangangariton, magbabakal, magbobote, magsasaka, magbababoy, at magmamanok.
“Bagama’t may karagdagang puhunan pangnegosyo na po tayo na maaaring ipambili ng traysikad, kariton, at mga kagamitan para sa negosyong junkshop, patuloy naman po tayong nakaagapay at nakaalalay upang palaguin at pagyamanin ang mga maliit na negosyo,” aniya pa.
(JOEL O. AMONGO)
91