PCG 24/7 NAKAALERTO SA HOLIDAY SEASON

NAKAALERTO nang 24/7 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard para matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, inaasahang magiging abala ang sea transportation system kaya 25,000 personnel ang kanilang ide-deploy ngayong Christmas season.

“Ang ating mga tauhan ng Coast Guard nationwide, we’ll put them on alert status– heightened alert and will be reminding ship owners to ensure the seaworthiness of their vessels,” pahayag ng opisyal.

Pinayuhan din ni Admiral Abu ang ating mga kababayan na planuhing mabuti ang kanilang pagbiyahe para maging safe, convenient and secure ang kanilang pagbiyahe.

Pinaalalahanan din nito ang mga may-ari ng barko na siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang lahat ng kanilang mga sasakyang pandagat bago bumiyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero at tripulante.

Hindi lamang aniya ang mga pantalan ang babantayan ng coast guard kundi maging ang mga paliparan at bus terminals.

“The coast guard is everywhere — the coast guard is anywhere, kung saan kailangan ang serbisyo ng coast guard nandoon tayo na — bahagi ng pagtugon natin sa napakahalagang papel na ibinigay ng pamahalaan natin,” pagtatapos ni Admiral Abu. (RENE CRISOSTOMO)

37

Related posts

Leave a Comment