PCG HINDI GAGAMIT NG MILITARY GRADE LASERS

MARIIN ang paninindigan ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi sila magkakabit ng “military-grade laser light” sa kanilang mga barko kahit na ginamitan na sila nito ng Chinese Coast Guard (CCG) sa bisinidad ng Ayungin Shoal.

“Hindi plano ng Coast Guard gumamit ng laser technology as part of our weaponry for Philippine Coast Guard vessels,” saad ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson sa West Philippine Sea.

Ngunit inamin ni Tarriela na kailangan nang rebisahin ang mga procedure nila kung paano tutugon sa mga kahalintulad na insidente ng pagbabanta ng ibang coast guard ng ibang bansa.
Kasunod ito ng insidente ng dalawang beses na pambubulag sa mga tripulante ng BRP Malapascua noong Pebrero 6 sa may Ayungin Shoal, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. (RENE CRISOSTOMO)

311

Related posts

Leave a Comment