PEKENG DENTISTA ARESTADO SA CAVITE

CAVITE – Nadakip ang isang babae na nagpapanggap na isang dentista habang aktong nagsasagawa ng dental technology practice sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kasong paglabag sa Sec. 33 (a) ng RA 9484 (The Philippine Dental Act of 2007) ang kinahaharap ng suspek na si Connieliza Initan.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite, Philippine Dental Association – Cavite Chapter, Maritime Cavite Station, PMFC Cavite, at 401st A MC RMFB4A laban sa suspek.

Isang poseur client ang ipinain na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa aktong gumagawa ng dental technology practice sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Hindi lisensyado ang suspek bilang dentista at wala rinng naipakitang Certificate of Registration at Professional Identification card naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa suspek ang mga instrumento at mga gamit bilang isang dentista.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng CIDG Cavite para sa dokumentasyon at disposisyon. (SIGFRED ADSUARA)

13

Related posts

Leave a Comment