PEKENG FRENCH HINARANG SA NAIA

HINDI nakapasok sa bansa ang isang Cameroon national nang harangin ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos magpakita ng isang ninakaw na French passport.

Kinilala ng BI Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang pasahero na si Valentine Forkwa Mbanwei, 31, dumating sa MCIA sakay ng Singapore Airlines flight galing Singapore.

Ayon sa BCIU, ang suspek ay nagpakita ng French passport na iba ang pangalan.

Gayunman, hindi umubra ang kanyang panloloko dahil rumehistro sa Interpol hit na ang kanyang ginamit na pasaporte ay isang nawawalang passport.

Dahil dito, hinarang si Mbanwei at hindi pinapasok dahil sa misrepresentation, at isang public charge.

Ang kanyang pangalan ay isinama na rin sa BI’s blacklist at hindi na muling makapapasok pa ng bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

84

Related posts

Leave a Comment