PEKENG OPTOMETRIST HULI SA ENTRAPMENT

IPINAIN ng isa sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang P1,000 marked money naging dahilan upang madakip sa entrapment operation ang umano’y pekeng optometrist sa Iriga City.

Kinilala ang suspek sa mga alyas na “Nancy Balang Sagara” at “Hilda Balang”, pero wala sa listahan ng Professional Regulation Commission (PRC).

Base sa ulat ng NBI-Naga District Office, na isinumite kay NBI Director Atty. Medardo De Lemos, ang suspek umano ay nagsasagawa ng illegal practice ng optometry sa Brgy. San Francisco, Iriga City.

Una rito, nakatanggap ng reklamo ang NBI galing sa Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. (IPAO)-Camarines Sur, hinggil sa illegal practice ng optometry ng suspek.

Dahil dito, nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad sa N. Balang Sagara Optical Clinic sa New Iriga City Public Market na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Josephine Nazarrea na hindi lisensyado bilang optometrist.

Nabatid na isang nagpanggap na kustomer na tauhan ng NBI sa Iriga, ang umorder ng kumpletong eye glasses sa halagang P3,500.

Nang magkasundo sa presyo, humingi ang suspek ng paunang bayad na P1,000 at nang tanggapin ang marked money ay agad itong inaresto ng mga awtoridad. (RENE CRISOSTOMO)

9

Related posts

Leave a Comment