PHARMALLY EXECUTIVES SA JUNE 30 PA PWEDENG LUMAYA

NANINDIGAN si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon na sa June 30 pa maaaring makalaya ang Pharmally executives na sina Lincoln Ong at Mohit Dargani.

Iginiit ni Gordon na alinsunod sa batas, matatapos ang bisa ng kanilang contempt powers na naging dahilan ng pagkakakulong sa dalawang Pharmally executives kapag nagsara na ang Kongreso.
Binigyang-diin ng senador na matatapos ang 18th Congress sa Hunyo 30 bagama’t ang kanilang sine die adjournment ay sa June 3 na.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na maaari nang makalaya sina Ong at Dargani sa June 3 dahil adjourn na ang session.

Dahil naman sa mga pagtatalo sa petsa, hinimok na lamang ni Sotto ang kampo ng dalawang Pharmally executives na iakyat sa Supreme Court ang usapin kung kailan sila dapat makalaya.

“Ask the Supreme Court when is the end of Congress? To me, we end upon adjournment sine die as the title connotes. The way it looks, the Senate comm no longer functions after June 3. But if they want June 30, it’s up to them. Better ask the SC interpretation,” pahayag ni Sotto. (DANG SAMSON-GARCIA)

Related posts

Leave a Comment