PILIPINAS TARGET GAWING TECHNO HUB

KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang potensiyal ng Pilipinas bilang technological hub.

Prayoridad dito ang available na technological advancements at tulong para sa mga bata at may talentong manggagawa.

Tinanong kasi ang Pangulo ukol sa talakayan hinggil sa iba’t ibang US tech companies at kung paano sila makatutulong na makamit ng Pilipinas ang layunin nito lalo na kung may kinalaman sa paggamit ng artificial intelligence (AI).

“We have a very big advantage of that because again, paulit-ulit kong sinasabi but talagang totoo, it’s our workforce. Dahil bata ‘yung workforce natin, magaling tayo sa tech. Madali para sa atin ang technology at siguro with the talent that we already have in the Philippines, kaunting upskilling na lang and we will already be at the forefront of this technology,” ang naging tugon ng Pangulo.

“So that’s what we were able to explore and it just— it goes beyond just the application of technologies. It’s also how to open the markets to the different elements of the technology — the tech industry, such as the experts, the engineers, the coders, all of that,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa niya na marami silang natutunan ng kanyang team ukol sa iniisip ng American planners sa tech industry at anong bahagi ng Pilipinas ang maaaring gamitin.

Iyon nga lamang, kailangan malampasan ng bansa ang ilang hadlang at kailangan na lumikha ng ecosystem na kapaki-pakinabang para sa start-ups na aniya’y sa kasamaang-palad ay mayroong “very high failure rate.”

(CHRISTIAN DALE)

336

Related posts

Leave a Comment