AARANGKADA ngayong araw ang “Walang Gutom 2027” program ng administrasyong Marcos sa isang komunidad sa Tondo, Manila.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), layon nito na makapagbigay ng P3,000 kada buwan sa inisyal na 50 pamilya mula sa Tondo.
Ang kick-off ay palalawigin sa 3,000 pamilya na target para sa six-month pilot sa buong bansa.
“After six months ng takbo ng programa, ng pilot, titingnan natin iyong resulta. Kung maganda iyong resulta, then we scale up, where it will be initially 300,000 na pamilya and then another 300,000 the year after hanggang sa maabot natin iyong isang milyong Pilipinong pamilya na food poor kung tawagin,” ayon sa ahensya.
Susuriin naman ng DSWD ang resulta matapos ang kalahating taon at aakyat sa scaled-up program, na naglalayong abutin ang isang milyong pamilya na nabibilang sa food-poor bracket o iyong mga may monthly income na “less than P8,000.”
Ang pilot ay pinondohan ng USD3 million (P163 million) na grants mula sa Asian Development Bank at World Food Program.
(CHRISTIAN DALE)
189