Pinagsasaksak muna si misis CHINESE LUMIPAD SA CONDO PATAY

BASAG ang bungo at nalasog ang katawan ng 43-anyos na Chinese national na umano’y nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-5 palapag ng gusali sa Narra Street malapit sa panulukan ng Padre Algue St., Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Anthony Sy y Ong, may asawa, jobless, may sakit umano sa pag-iisip, naninirahan sa 5th floor ng 1140 Building sa nasabing lugar.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Homicide Section mula kay Police Staff Sergeant Richie Caligagan ng MPD- Station 2, hinggil sa insidente, kaya agad na inutos ni Captain Turla sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya, binuhusan umano ng biktima ng tubig ang natutulog na misis saka pinagsasaksak.

Isinugod ng mga kaanak ang sugatang misis sa Metropolitan Hospital at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Ngunit nagbitiw naman umano ng salita ang biktima na tatalon mula sa 5th floor ng gusali.

Agad dumating ang rescue team ngunit nang makita ng biktima na may nag-aabang sa ibaba para saluhin siya ng net, ay mabilis itong lumipat ng pwesto at biglang tumalon.  (RENE CRISOSTOMO)

95

Related posts

Leave a Comment