Pinangakuan ng kasal kapag nabuntis13-ANYOS GINAHASA NG 2 TINEDYER

BATANGAS – Kasama ang kanyang nanay, nagharap ng reklamo sa pulisya ang isang 13-anyos na dalagita laban sa dalawang tinedyer na gumahasa umano sa kanya sa bayan ng Taal, sa lalawigang ito.

Ayon sa biktimang si alyas “Joy”, Sabado ng gabi nang magkasunod siyang pagsamantalahan ng mga suspek na sina alyas “Ivan”, 16-anyos, Grade 9 student, at alyas “Paul”, 18-anyos, Grade 11 student, habang ang mga ito ay nag-iinuman sa isang bahay sa kanilang barangay.

Una umanong gumahasa sa kanya si Ivan at sumunod si Paul. Kapwa umano nangako ang dalawang suspek na pakakasalan siya kapag siya ay nagdalantao. (NILOU DEL CARMEN)

131

Related posts

Leave a Comment