PISTA NG STO. NIÑO SA TONDO AT PANDACAN, PAYAPA

WALANG naging problema sa pagpapairal ng liquor at gun ban sa kapistahan ng Sto. Nino De Tondo at sa Pandacan, Manila nitong Linggo.

Ayon kay Police Major Philip Ines, Manila Police District (MPD) PIO chief, tagumpay ang programa ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon upang matiyak na payapang maidaraos ang selebrasyon kahapon.

Kapansin-pansin aniya na sumunod ang mga residente kaya walang nakitang nag-iinuman sa kalye kundi sa loob lang ng kani-kanilang bahay.

Naging masaya sa kabuuan ng pista sa magkabilang lugar.

Dahil dito, pinasalamatan ni General Dizon ang apat na Station Commander na sumasakop sa fiesta ng Tondo, na kinabibilangan nina Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., ng Raxabago Police Station 1; Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll ng Moriones Police Station 2; Police Lieutenant Colonel Jonathan Villamor ng Jose Abad Santos Police Station 7 at Police Lieutenant Colonel  Restito Acohon ng Delpan Police Station 12.

Kabilang dito ang bawat Police Community Precinct ng Station 1, Station 2, Station 7 at Station 12.

May mga biker ng bawat presinto ang nag-ikot upang bigyan lamang ng “warning” ang mga sumusuway.

Ilang Station Commander din ang tumulong para higpitan ang seguridad.

Kaagapay rin ang grupo ni Police Colonel Julius Anoñuevo ng District Mobile Force Batallon ng MPD, gayundin ang mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT), mga miyembro ng MMDA, MTPB at AFP para sa katahimikan at mapayapang kapistahan gayundin sa Sto. Niño De Pandacan, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel  Maria Agbon.

Sa bisperas ng kapistahan sa Tondo, pinangunahan ni Manila Mayor Maria Shiela (Honey) Lacuna- Pangan ang tradisyon na “Lakbayaw”.

Isinasayaw nito ang imahe ng Sto. Nino habang pinoprusisyon sa pangunahing mga lansangan sa Tondo. (RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment