PNP MEDIA ACTION CENTER MINOBILISA PARA SA BSKE 2023

SINIMULAN nang imobilisa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Media Action Center para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes.

Inihayag ni PNP Public Information Office Chief P/Col. Jean Fajardo, noong Miyerkoles ay nagsimula nang pakilusin ng PNP ang kanilang Media Action Center mula sa national headquarters sa Camp Crame hanggang sa regional headquarters sa buong bansa.

Nabatid na ito ang magiging balon ng impormasyon ng mga mamamahayag kaugnay sa mga kaganapan na may kaugnayan sa BSKE 2023.

Bukod sa itinalagang mga tauhan ng PNP ay may mga focal person o kinatawan ng Commission on Elections (COMELEC) at mga COMELEC deputized agency tulad ng Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Dito ay pwedeng ma-access ng mga kasapi ng media ang mga impormasyon na may kinalaman sa eleksyon sa mas mabilis na paraan sa lahat ng panig ng bansa.

Ayon kay Fajardo, inaasahan nila ang mas mabilis na koordinasyon sa media center dahil dito kanilang iko-consolidate ang mga report na may kaugnayan sa eleksyon at agad nila itong gagawan ng aksyon.

(JESSE KABEL RUIZ)

181

Related posts

Leave a Comment