UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anomang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad.
“Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin ora mismo,” ayon sa Kalihim.
Sinabi ni Año na simula Mayo 8 hanggang sa aktuwal na halalan nitong Lunes, Mayo 9, tungkulin ng dineploy na police officers na ipatupad ang liquor ban at tiyakin na walang anomang election campaign activity, gaya ng distribusyon ng political materials, ang magagawa.
Inatasan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na lumikha ng Anti-Vote Buying Teams sa bawat lalawigan at lungsod para tumanggap ng reklamo at imbestigahan ang alegasyon ng vote-buying and vote-selling bilang pagsunod sa election laws, “rules and regulations.”
“This is a concrete effort of the DILG and PNP to support the Commission on Elections (Comelec) and the interagency Task Force Kontra Bigay in ensuring a fraud-free election,” aniya pa rin.
Gampanin din ng Anti-Vote Buying Teams ang mangalap at ipreserba ang mga ebidensiya, kumuha ng mga salaysay ng mga testigo at proteksyunan ang mga testigo at reklamo at makipag-ugnayan sa tamang ahensya ng pamahalaan.
“Evidence-based complaints ay aaksyunan at ive-verify ng PNP Anti-Vote Buying Teams at idadaan sa parehong proseso ng pagkalap ng ebidensya. These will be forwarded to the Comelec which has a motu proprio power, or on its own accord, file cases of violation of election laws,” ani Año.
“Complaints that are sufficient in form and substance and supported by evidence can be filed by the concerned group before the proper prosecutor’s office,” dagdag na pahayag nito.
Mangangalap naman ang Police Regional Offices (PROs) at imo-monitor ang kalagayan at progreso ng mga reklamo na inihain sa kanila at sa lahat ng dedicated Anti-Vote Buying Teams sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon kabilang na ang report ukol sa vote-buying or selling, at update sa “regular basis” sa National Task Force Kontra Bigay.
Isasama rin ng PNP Regional Offices ang pangangalap ng data ng report hinggil sa “methods at schemes” ng vote-buying at vote-selling.
Sa Memorandum Circular 2022-0400, inatasan ni Año ang PNP regional at provincial offices at city at municipal stations na bumuo ng “dedicated” na PNP Anti-Vote Buying Teams sa bawat congressional district, highly urbanized city (HUC), independent component city, at component city.
Dapat na magtalaga rin ang Regional at Provincial Police Offices ng karagdagang personnel sa municipal police stations na kulang sa personnel para sa kadahilanang ito.
Sinabi pa ni Año na kailangang ipabatid ng PNP Anti-Vote Buying Teams ang kanilang mandato sa at contact details sa tulong ng local Comelec election officers at DILG city o municipal local government operations officers. (CHRISTIAN DALE)
204