PNP OFFICIAL KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT

Camp Vicente Lim, Laguna – Kinasuhan ng sexual harassment ng isang student trainee ang isang opisyal ng Philippine National Police sa Bacoor, Cavite.

Nahaharap si Chief Master Sergeant Romar Sinnung, 47-anyos, ng Bacoor Cavite Police, sa kasong paglabag sa Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1195, na isinampa sa Provincial Prosecutor’s Office noong Disyembre 1.

Nag-ugat ang kasong sexual harassment na iniharap ng isang 23-anyos na estudyante makaraang hawakan umano ng suspek ang likod, binti at dibdib nito noong Oktubre 11 at 13, 2022, at nasundan pa noong Nobyembre 8 at 9, 2022 habang nagsasagawa ng training sa police station.

Nagsampa na rin ng kasong administratibo ang Philippine National Police laban kay Sinnung habang inalis na ito sa pwesto base sa utos ng Cavite Police.

Idineklarang AWOL o absent without official leave ang akusado,  ayon kay Cavite Police Director, Col. Christopher Olazo. (CYRILL QUILO)

39

Related posts

Leave a Comment