PNP SUPPORT UNIT PASOK SA MISSING SABUNGERO PROBE

pnp

SA hangaring tuldukan ang halos dalawang taong paghahanap ng katotohanan sa likod ng kontrobersyal na kaso ng 34 na missing sabungero, inatasan na rin ni Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin ang PNP Support Unit para tuntunin ang mga salarin – kabilang ang utak ng sindikato.

Partikular na tinukoy ni Azurin ang mga insidente ng pagdukot sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Bulacan mula Abril taong 2021 hanggang sa kalagitnaan ng sumunod na tan.

Sa bagong direktiba ng PNP chief, inatasan ang PNP Support Unit na makipag-ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa mabilis na pagresolba at pagdakip sa mga salaring responsable sa kab-kabilang pagdukot at pamamaslang sa mga hindi pa natatagpuang sabungero.

Kailangan na rin aniyang tapusin ang mahabang paghahanap ng hustisya ng mga naulilang pamilya sa lalong madaling panahon.

Una nang sinabi ng CIDG nang malaglag sa kamay ng batas ang mga suspek, kasabay ng panawagan sa puntiryang salarin na sumuko na lang bago pa abutan ng tracker team na binuo para galugarin ang mga pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga suspek..

Bago pa man binuo ang tracker team, nagsampa na rin sa Department of Justice (DOJ) ang CIDG ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang suspek (Julie Patidongan at isang alyas John Doe) na nakunan ng video habang biyabit ang isa sa 34 na biktima palabas ng sabungan sa Sta. Cruz, Laguna. (JESSE KABEL RUIZ)

41

Related posts

Leave a Comment