‘POLICE ASSET’ ITINUMBA NG ‘DRUG PUSHER’

patay

TINADTAD ng bala ang isang 26-anyos na tricycle driver ng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa loob ng isang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng hapon

Kinilala ang biktimang si Joel Garciano, habang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si alyas “Blondie”, nasa 25 hanggang 30-anyos , huling nakitang nakasuot ng orange na T-shirt at maong na short pants.

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-4:00 ng hapon mangyari ang pamamaril sa loob ng isang bahay sa Baseco Compound.

Ayon kay Det. Arvy Macarasig, makaraan ang pamamaril, natagpuang nakabulagtang walang buhay ang biktima sa loob ng bahay.

Inihayag ng saksing si Melvin Galang, 32, pumasok ang biktima at ang suspek sa kanilang bahay at siya ay naiwan sa labas.

Pagkaraan ng ilang saglit, nakarinig si Galang ng malakas na sigaw,

 “Put… ina mo, Joel, asset ka ng pulis,” kasunod ng sunod-sunod na putok ng baril.

Sa takot ng testigo, nagtago ito hanggang sa nakitang lumabas ang suspek na hawak ang baril na ginamit sa krimen.

Hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang suspek at pinaghinalaan nito na ‘asset’ ng pulis ang biktima. (RENE CRISOSTOMO)

26

Related posts

Leave a Comment