POLICE OFFICIAL SA BRGY. CHAIRMAN SLAY, SUMUKO

NASA kustodiya na ng Police Regional Office 4A (PRO4A) sa Camp Vicente Lim, Laguna, ang umano’y isang opisyal ng pulisya na itinuturong sangkot sa pagpaslang kay San Carlos, Lipa City barangay captain Vivencio Palo na pinagbabaril ng mga suspek habang lulan ng kotse noong Pebrero y 26 sa Lipa City.

Ayon sa pahayag ni P/Lt. Col. Eunice de Guzman, CALABARZON Police PIO, sa isang radio program, ang pulis na may ranggong police lieutenant colonel (PLTCOL) ay agad sumunod sa kautusan ni PRO4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mag-report sa regional headquarters.

Ang nasabing opisyal ay nasa custodial facility na sa Camp Vicente Lim, at sumasailalim sa restrictive custody.

“Nasa ilalim pa lamang po siya ang ng restrictive custody dahil regular filing po lamang ang ipa-file sa kanyang kaso, at hihintayin pa natin na maisyuhan siya ng warrant (para maaresto),” ayon kay P/Lt. Col.  De Guzman.

Ayon pa kay De Guzman, tatlo sa 5 suspek sa krimen ang nasa kustodiya na ng pulisya kabilang dalawang naunang naaresto na sina Lito Bautista na isang government employee, at Rene Boy Carbajosa.

Sinasabing si Carbajosa na isang ambulance driver, ang nakaupo sa unahang passenger seat ng get-away vehicle na ginamit sa krimen. Sa kanya rin nabawi ang asul na kotse na ginamit sa insidente.

Nagkaroon ng lead sa kaso matapos na makakuha ng witness ang Lipa City Police na siyang nagdetalye sa pulisya kung paano plinano ng mga suspek ang pagpatay.

Dalawa pa ang pinaghahanap ng pulisya kabilang si Allan Edroso na siya umanong gunman. (NILOU DEL CARMEN)

224

Related posts

Leave a Comment