POLICE POWER HIRIT NG DA KONTRA AGRI SMUGGLERS

NAIS ng Department of Agriculture (DA) na mabigyan ng police power para magawang arestuhin at kasuhan ang mga smuggler sa bansa, ito man ay technical o outright.

Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang sila sa Bureau of Customs (BOC).

“Kung gusto niyo magkaroon ng ngipin ang departamento laban sa smuggling, bigyan po natin ng kapangyarihan, ng mandato, na makapag-file, apprehend, and file cases against smugglers. Pero sa ngayon po sa batas, wala pong magagawa ang DA, kundi umasa sa BOC, kasi sila ‘yung naroon sa batas na may kapangyarihan noon,” ayon kay Adriano.

Nauna rito, nabanggit na ng DA ang ilang schemes o pamamaraan na ginagamit ng mga smuggler kabilang na ang “misdeclaration, undervaluation, at outright smuggling.”

Ang paliwanag ni Adriano, iniaalok ang smuggled products sa mas abot-kayang halaga dahil sa mababang produksyon nito at delivery cost.

Sa ngayon ay tinutunton na rin umano ng DA ang grupo ng technical smugglers sa loob ng kanilang departamento. (CHRISTIAN DALE)

97

Related posts

Leave a Comment