PONDO NG DTI PINADARAGDAGAN

0

NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara ang isang senior lawmaker para sa karagdagang pondo ng Department of Trade and Industry upang masuportahan at maasistehan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Dismayado ang maraming mambabatas sa pondong nakalaan sa MSME’s na higit na nangangailangan ng ayuda ngayong panahon na may pandemya.

Responsibilidad anila ng DTI ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa partikular na ang mga negosyong bumagsak at pagkawala ng hanapbuhay ng mga manggagawa.

Ayon sa House Resolution 2228 na inihain ni Deputy Speaker on Trade and Industry Rep. Wes Gatchalian, ang allocation para sa taong 2022 na hawak ng DTI ay hindi sapat para matulungan ang aabot sa 1 milyong registered MSME’s at ang 4 million unregistered enterprises na labis na naapektuhan ng krisis.

“We need to increase the overall budget of the DTI for MSMEs. We need to prioritize the MSMEs amid this pandemic. DTI will play a big role in jump-starting the MSMEs. We need to strengthen entrepreneurship in the country. Our government should be more aggressive in rolling out loans for MSMEs” ani Rep. Gatchalian.

“This is indeed very disappointing because during the last State of the Nation Address of President Duterte, he recognized the vital role of MSMEs to economic activity, job creation, and poverty reduction” dagdag ng mambabatas.

Ani Gatchalian, inihain niya ang resolusyon para may panghawakan ang DTI nang sa gayon ay agad matugunan ang mga pangangailangan ng negosyanteng nais makaahon sa dinaranas na pagbagsak ng kanilang negosyo.

“Of the P23.7 billion, only P6.6 billion is allocated to the DTI while the bulk of the budget is allocated to Technical Education and Skills Development Authority amounting to P13.6 billion.

The remaining budget is appropriated to other DTI attached agencies, including, Board of Investments, Philippine Trade Training Center, Design Center of the Philippines, Construction Industry Authority of the Philippines, Cooperative Development Authority, Aurora Pacific and Economic Zone Authority and Center for International Trade Expositions and Missions, and the Small Business Corporation” pagtatapos ni Gatchalian. (CESAR BARQUILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment