CEBU – Napaso ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng mag-asawa nang mabagsakan ng mga kable matapos tamaan ng kidlat ang poste ng kuryente habang dumadaan ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo sa Barangay Laray, bayan ng Consolacion sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng mga biktimang sina Nillo Jusol 52, at Aida Jusol, 48, mga residente ng Barangay Jugan.
Ayon sa report ng Consolacion, Cebu, dakong alas 2:00 ng hapon, magkaangkas ang mag-asawa sa motorsiklo at tinatahak ang municipal road sa kasagsagan ng mahinang pag-ulan, ngunit pagtapat ng mga ito sa poste ng kuryente ay gumuhit ang matalim na kidlat.
Tumama ang kidlat sa concrete post naging dahilan ng pagbagsak ng
electric cable lines na tumama sa mag-asawa naging dahilan upang makuryente ang mga ito.
Nagtulong-tulong ang mga bystander na saklolohan ang dalawa at binigyan ng first aid habang hinihintay ang rescue team ng MDRRMO.
Isinugod ang mga ito sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling sa mga paso at sugat sa katawan.
(NILOU DEL CARMEN)
275