PROBLEMA ‘DI KINAYA, EMPLEYADO NAGBIGTI

CAVITE – Pinaniniwalaang hindi nakayanang harapin ang dinadalang problema kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang lalaki sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala lamang ang biktima na si Edison, ng Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSg. Joycell Javier ng Tanza Police Station, isang kaibigan ng biktima ang nagtungo sa bahay nito upang alamin kung bakit hindi siya pumasok sa trabaho.

Ngunit nabigla ito nang makita ang biktima na nakabitin sa hagdanan gamit ang tuwalya dakong alas-9:00 ng umaga.

Sinasabing dumaranas ng matinding depresyon ang biktima. (SIGFRED ADSUARA)

211

Related posts

Leave a Comment