‘PROXY WAR’ NG ERC AT NGCP PINUNA

PARA kay Bayan Muna executive vice-president Carlos Isagani Zarate, ang bangayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay posibleng hindi para sa interes ng mga konsyumer kundi matatawag na isang “proxy war”.

Sinabi ni Zarate na nangunguna sa mga tunay na isyu na kailangang harapin, ay ang protektahan at panindigan ang interes ng mga mamimili upang matiyak na ang mga rate ng kuryente ay mababa at ang supply ay matatag.

Dapat din aniyang magkaroon ng ganap na pagbabawal sa cross-ownership sa mga sektor at tiyakin na ang mga umiiral na istruktura o dummy arrangement na lumalabag dito ay mabubuwag at maparurusahan.

“There should also be an absolute ban on cross-ownership among sectors, and ensure that existing structures or dummy arrangements violative of such are disbanded and penalized. This we believe can decisively address the problem of regulatory capture, where energy officials and regulators are seen as mere puppets of power moguls,” ani Zarate.

“Sa madaling salita, ang problema sa power industry, is that it is seen as no different from a party/live events industry. Madaming secret dummy arrangements at perceived puppet regulators. Pero no matter what, the power oligarchs end up having a party at the expense of consumer welfare!,” giit pa niya.

Aniya, sa kabila nang pagbabangayan ngayon ng ERC at NGCP, isa na namang pagtaas ng singil sa kuryente ang paparating at ang mga konsyumer ang lalong naghihirap.

“It is high time that power companies and regulators should be real protectors of consumers and not those of business interests,” dagdag ng dating Bayan Muna solon. (TJ DELOS REYES)

23

Related posts

Leave a Comment