PUBLIKO INALERTO SA EPEKTO NG EL NINO

El Niño-6

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino para sa whole-of-nation approach sa paglaban sa epekto ng El Niño phenomenon na inaasahan magtatagal sa second quarter ng 2024.

Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan na bilisan ang pagkumpleto sa mga irrigation facility at iba pang istraktura.

“We must be prepared to counter its effect, which may last until the second quarter of 2024,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa inauguration ceremony ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Nueva Ecija.

Pinaalalahanan din ng Chief Executive ang Department of Agriculture (DA) at ang National Irrigation Administration (NIA) na agad kumpletuhin ang konstruksyon ng mga irrigation facility at iba pang supporting structures base sa pangangailangan ng mga magsasakang Pilipino na maaapektuhan ng dry spell.

Giit pa ng Pangulo, dapat lamang na magkapit-kamay ang pamahalaan at ang mamamayang Pilipino sa paghahanda para sa matinding epekto ng El Niño.

“Kaya’t itong ganitong klaseng proyekto ay naging mas mahalaga pa at naging mas urgent pa. Kaya’t dahil kakaunti na lang ang ating natitirang panahon … meron tayong apat na buwan para tapusin lahat ‘yan, maging operational na lahat ‘yan,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, sinabi naman ng Department of Science and Technology (DOST) na may 65 lalawigan sa buong bansa ang maaaring maapektuhan ng potensiyal na tagtuyot habang may 6 na probinsiya naman ang maaaring maapektuhan ng dry spell.

(CHRISTIAN DALE)

174

Related posts

Leave a Comment