PUBLIKO PATULOY NA PINAG-IINGAT SA BAGYONG KABAYAN

PATULOY na pinag-iingat ng Office of Civil Defense ang publiko sa epekto ng Bagyong Kabayan partikular sa mga lugar na dadaanan pa nito.

Bagaman’t bahagyang humina ang bagyo matapos na mag-landfall ito malaking bahagi ng Mindanao kahapon, nagbabala ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at maging ang PAGASA, na nanatili pa rin ang banta ng landslides at mga pagbaha.

Nabatid na isang lalaki ang iniulat na nawawala na posibleng tinangay ng agos sa biglang paglaki ng Casaoman River habang nangunguha ng lumutang na mga niyog.

Sa abiso ng OCD, bukod sa mga pag-ulan, dapat mag-ingat sa dalang hangin ng bagyo na maaaring magdulot ng pagkasira sa mga kabahayang gawa sa lightweight materials, mga high risk na istruktura, at maging sa ilang pananim.

Nasa 11,729 residente ang naapektuhan ng preemptive evacuation mula sa east at north coast ng Mindanao.

Umabot na sa 2,190 pamilya o 6,723 indibidwal ang apektado ng shear line at Bagyong Kabayan habang patuloy pa rin ang nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao at Visaya region.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Disyembre 18, nagmula ang apektadong mga residente sa 43 barangay sa Caraga.

Habang 2,072 pamilya o 6,370 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 48 evacuation centers sa rehiyon.

Tatlong lugar din sa Caraga ang nakararanas ng power interruption.

Samantala, stranded ang 124 pasahero at tatlong sasakyang pandagat sa nasabing rehiyon.

Dahil sa banta ng Tropical Depression Kabayan, ipinagbawal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Eastern Samar at Southern Leyte ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat lalo na ang mga mas mababa sa 250 gross tonnages.

Kabilang din sa mga apektado ang mga bangkang pangisda.

Hiniling din ng Office of Civil Defense (OCD) sa lahat ng local government units sa Eastern Visayas na i-activate ang kani-kanilang disaster units at i-monitor ang lagay ng panahon sa kanilang nasasakupan.

Una na ngang kinansela ang mga biyahe sa dagat nitong linggo sa Ormoc City, at Hilongos, na parehong nasa Leyte, papuntang Cebu.

(JESSE KABEL RUIZ)

167

Related posts

Leave a Comment