Publiko pinag-iingat PEKENG SCHOLARSHIP NG CHED LAGANAP ONLINE

(CHRISTIAN DALE)

NAGBABALA ang Commission on Higher Education (CHED) sa publiko laban sa unofficial accounts na naglalarawan bilang CHED scholarships.

Sa isang Facebook post, sinabi ng CHED na patuloy na tumataas ang unofficial accounts na ito at di umano’y humihingi ng  personal information ng aplikante.

“It has come to our attention that the number of unofficial CHED online accounts has increased, particularly for scholarship applications,” ayon sa CHED.

Ang mga nasabing unofficial CHED page ay makikita sa Facebook at websites, naglalaman ng links at sinasabing requirements para sa scholarships.

Gayunman, nilinaw ng CHED na mayroon lamang silang tatlong official social media accounts.

“The official handle names of the Commission on Higher Education are PhCHED.gov (on Facebook), @PhCHED (on Twitter), and ched.gov.ph (website),” ang pahayag ng CHED.

Idagdag pa rito, sinabi ng CHED na nire-require nito ang kanilang scholarship applicants na direktang makipag-ugnayan sa   CHED office, at huwag iproseso ang aplikasyon  virtually.

“CHED will never ask for your personal information or process applications through social media. Any questions about CHED scholarship programs should be directed to the appropriate office,” ayon sa CHED.

Sa ngayon, ang official Facebook page ng CHED ay mayroong 666,000 followers, at 906,000 followers sa Twitter.

33

Related posts

Leave a Comment