PUGANTENG GRECO TIMBOG SA NAIA

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Cypriot national na wanted ng mga awtoridad sa Greece, bunsod ng pagkakasangkot sa iba’t ibang financial fraud sa kanilang bansa.

Kinilala ang suspek na si Renos Neofytou, 59, nahuli noong Sabado sa NAIA Terminal 3, bago makasakay sa Air Asia flight papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.

Batay sa impormasyo na nakalap ng BI, si Neofytou ay na-convict ng korte sa Greece at hinatulang makulong.

Ayon sa pahayag ng Interpol’s National Central Bureau (NCB) sa Manila, si Neofytou ay ‘subject’ ng red notice na inisyu NCB Greece noong 2017 kasunod ng kanyang ‘conviction’ sa nine counts ng paglabag sa cheques law sa kanilang bansa.

Bunsod ito sa hindi pagbabayad ng kanyang pagkakautang sa pamahalaan, at pag-amin nito sa kanyang bogus na tax documents.

Nabatid ng BI na sa ilalim ng Cypriot laws, ang mga nagkasala sa kasong pandarambong ay may kaparusahang makulong ng apat na buwan hanggang limang taon sa bawat kasong nakahain sa kanya.

At may karagdagan na isang taon dahil sa pagtakas mula sa criminal prosecution sa kanilang bansa. (FROILAN MORALLOS)

50

Related posts

Leave a Comment