DAPAT na awtomatikong exempted mula sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec) ang kapulisan at pwersa ng militar.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito ay sa kabila na may ilang uniformed personnel ang may ugali na namamaril kapag nalalasing.
Sa kanyang Talk to the People nitong Martes, sinabi ng Pangulo na may mga miyembro ng kapulisan at militar ang nahihirapang makakuha ng clearances lalo pa’t wala na silang oras para iproseso ito.
“Getting individual clearances from the Comelec is really a bad idea, kasi po some policemen are assigned in an area different from where he is attuned to there, or he lives outside the area of his jurisdiction or assignment papauwi ng bahay, ito minsan nahuhuli,” ayon sa Pangulo.
Aniya, ang uniformed personnel ay dapat lamang na umakto ayon sa kanilang sinumpaang tungkulin o kahit na walang exemption mula sa gun ban, at gawin ang tama at gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
Nobyembre 2021 nang ipalabas ng Comelec ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng gun ban sa gitna ng pagdaraos ng halalan para sa 2022. (CHRISTIAN DALE)
112