Pulis pala ang binentahan GUNRUNNER SA CALOOCAN ARESTADO

IBINALIBAG sa selda ang isang hinihinalang gun runner makaraang bentahan ng baril ang isang undercover cop sa Caloocan City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Nico Bonabon, 30, ng Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan, dinakip dakong alas-6:30 ng gabi sa buy-bust operation sa C3 Road, Brgy. 21, Caloocan City.

Nakuha sa suspek ang P500 marked money na ginamit ng poseur buyer sa pagbili ng isang cal. 22 revolver na may anim na bala.

Ayon sa pulisya, katutukoy pa lamang nila sa pangkat ni Bonabon at sa mga ilegal nitong gawain, ngunit posibleng agad nang nalansag ang grupo nang madakip ang suspek na hinihinalang pinuno ng sindikato. (ALAIN AJERO)

98

Related posts

Leave a Comment