PUMITIK NG MOTORSIKLO, 4 ARESTADO

HUMIHIMAS ng rehas na bakal ang apat na indibidwal kabilang ang isang babae at ang buyer makaraang sunod-sunod na matimbog sa isinagawang follow-up operation at mabawi ang motorsiklong tinangay ng mga ito sa harap ng simbahan ng Sto. Niño sa Pandacan, Manila noong Nobyembre 8, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronan Rex Mejos, 32, principal suspect, kapatid ng complainant; Ivan Chris Balderama, 34; Jean Isaac Bautista, at isang John Renie Ignacio, 30-anyos, na umano’y nakabili ng motorsiklo.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Romeo Estabillo, hepe ng District Tactical Motorized Unit ng Manila Police District, bandang alas-2:48 ng hapon nang tangayin ang motorsiklong Honda Clik 125 CC na pag-aari ni John Jigs Mejos, sa harapan ng Sto. Niño Church sa Jesus St. sa Pandacan noong Martes.

Ayon kay Estabillo, habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa area na sina Police Staff Sergeant Antonio Macawili at Police Corporal Jeffrey Salazar sa Pandacan, nang humingi ng tulong ang complainant makaraang tangayin ng mga suspek ang kanyang motorsiklo.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa buyer na si Ignacio.

Sa pamamagitan ni Ignacio ay sunod-sunod ding nadakip ang tatlo pang mga suspek na ngayon nakakulong na sa MPD Anti-Carnapping Unit. (RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment