Pumutok habang nililinis PULIS PATAY SA SARILING BARIL

BATANGAS – Nalagutan ng hininga ang isang pulis nang aksidente umanong pumutok ang kanyang baril habang nililinis sa kanyang resthouse sa Brgy. Bulacnin, Lipa City noong Linggo ng umaga.

Wala nang buhay nang abutan ng kanyang mga kapamilya ang biktimang si PSSgt. Ronald Macalintal Silva, 46, miyembro ng Lipa City Police Station.

Ayon sa report, nadiskubre ng anak na babae ng biktima ang wala nang buhay na pulis habang duguang nakahandusay at may tama ng bala sa ulo sa kubo sa likod ng kanilang bahay dakong alas-5:00 ng umaga. (NILOU DEL CARMEN)

53

Related posts

Leave a Comment