SINAMPAHAN ng reklamong illegal termination ang kapitan ng Barangay Pasong Tamo sa Lungsod Quezon
Si PB Mae Tagle ay inireklamo sa Special Investigation Committee ng Quezon City Council.
Ito ay bilang sagot sa patuloy na pagkaantala ng operasyon ng barangay at serbisyo sa mahigit isandaang libong residente nito.
Ayon sa mga kagawad ng barangay, bukod ang naturang reklamo sa patong-patong na legal actions na isinampa laban kay Tagle bunga ng iba’t ibang paglabag umano nito gaya ng misconduct, graft and corruption at iba pa.
Nag-ugat ang reklamo matapos sibakin ni Tagle ang treasurer ng kanilang barangay na si Lolita Ismael.
Sa pagkakasibak ni Ismael ay naantala ang paggawa ng barangay budget.
Nauna nang nagsalita si Tagle kung saan sinasabi nitong ayaw pumirma ng ilang kagawad ng barangay kaya hindi umuusad ang kanilang pondo. (J PACOT)
