PUPUSUAN KITA STAMPS AT GREETING CARDS INILABAS NG PHLPOST

NAGLUNSAD ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) katuwang ang Megaworld Lifestyle Malls ng kanilang “Pupusuan Kita – Araw ng mga Puso 2023” Valentine’s Day Stamps at greeting cards, kaugnay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong Martes.

“This season of hearts, the Post Office, together with our Partner Megaworld Lifestyle Malls, will let the public experience how we can better express our love, care and respect for anyone who is important in our life,” ayon kay Assistant Postmaster General for Management Support Services Atty. Benjie Yotoko, sa launching ceremony na isinagawa sa Ponte Lobby Venice Grand Canal sa McKinley Hill, Taguig City.

Ang Post Office ay mayroong satellite office sa Ground Floor ng Venice Luxury Residences, kung saan madaling makapagpadala ng mga liham, packages, at kumuha ng Postal ID.
Ayon sa PHLPost, ang naturang espesyal na araw ay pagkakataon din upang pasalamatan natin ang mga taong minamahal natin, gaya ng ating pamilya, kaibigan at special someone.
Kanilang itinaguyod ang Valentine’s Day Stamp at greeting cards upang pataasin ang interes ng publiko at ng mga kabataan sa kahalagahan ng mga liham sa pagpapahayag ng pagmamahal sa ating mga katuwang sa buhay, kaibigan, at pamilya.

“The Postage Stamps that we will launch today remind us of our traditions, mixed with cool, witty, and cute hand gestures of Love. Designed by our in-house artist, the vintage charm, simplicity, and color of the block of four cartoon-style stamps complement each other perfectly,” dagdag pa ni Yotoko.

Itinuturing na isa sa pinakahihintay na Philatelic release, ang mga selyo para sa Araw ng mga Puso ngayong taon na dinisenyo ng Post Office in-house graphic artist na si Agnes Rarangol.

Nauna nang inilunsad ng Post Office Mega Manila Area ang “Pada-LOVE! Magpadala, Kiligin, Ma-in love”, na nag-aalok ng tradisyonal nitong “Singing Kartero package” na nagkakahalaga ng P2,500, na may kasamang bungkos ng mga bulaklak, greeting card, at dalawang awitin mula sa ‘Singing Karteros’.

Anang Post Office, ang “Express Pada-LOVE”, na magtatagal hanggang Pebrero 15, ay hindi lamang para sa mga Filipino lover, kundi isang kapana-panabik na paraan din upang isulong ang kanilang Domestic Express Mail Service (DEMS). (RENE CRISOSTOMO)

156

Related posts

Leave a Comment