LAYA na ang kontrobersyal na drag performer na si Pura Luka Vega, o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na pangalan, makaraang maglagak ng piyansa matapos arestuhin sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila, noong nakaraang Miyerkoles ng hapon.
Noong Oktubre 7 nang maghain ng halagang P72,000 bilang piyansa si Pura Luka, ayon sa ulat ni Police Lieutenant Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3.
Kinumpirma naman ito ni Presiding Judge Lady Rochelle Saymo- Llabres, ng Regional Trial Court, Branch 36 ng Manila.
Nauna rito si Pura Luka ay inaresto noong nakaraang Miyerkoles, dakong alas-4:30 ng hapon makaraang kasuhan ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno ng Simbahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows at paglabag sa Cybercrime Prevention Act, dahil sa nag-viral sa social media na pag-awit niya sa rock version ng “Ama Namin” habang nakasuot ng kasuutan ng Poong Itim na Nazareno.
(RENE CRISOSTOMO)
551