QC CONGRESSIONAL CANDIDATE, PUMALAG SA DQ CASE

0

PUMALAG ang isang congressional candidate sa District 5 ng Quezon City sa paulit-ulit at walang basehang disqualification case na matagal nang ibinasura ng korte dahil sa kawalan ng merito.

Sa pahayag ni Rose Lin, kandidato sa hanay ng Malayang Quezon City, sinabi niyang may pinal nang desisyon ang korte na siya ay lehitimong residente ng District 5 at rehistradong botante rin ng nasabing lugar.

Isang Annalou Apelado, sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang muling naghain ng petisyon sa Election Office para ipawalang-bisa ang kandidatura ni Lin kahit na ibinasura ang kanyang naunang petisyon ng Metropolitan Trial Court Branch 35 noong Agosto 4, 2021.

“The Court has decided on August 4, 2021 ordering the inclusion of my name in the permanent list of voters of Barangay San Bartolome, District V, Quezon City,” ayon kay Lin na ipinakikita ang 18-pahinang desisyon ni Presiding Judge Maria Ella Cecilia D. Dumlao-Escalante pabor sa kanyang petisyon.

“Guided by law and jurisprudence, the Court concludes that petitioner (Lin) is a resident of Barangay San Bartolome. The inclusion and registration of her name in the list of permanent voters of Barangay San Bartolome, District V, Quezon City is imperative.”

Tumatakbong kongresista si Lin sa  naturang distrito na maaaring palitan si Rep. Alfred Vargas na magtatapos ang ikatlong termino.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Apelado na nagbigay ng certification ang Office of the Barangay Chairman ng San Bartolome  na nagsasabing “walang Rose Nono Lin” ang nakarehistrong residente ng naturang barangay.

Ngunit ani Lin, korte na ang nagsabing walang basehan ang mga rason ni Apelado na aniya ay pakawala lang ng mga taong nais mamonopolya ang puwesto sa District 5 at pigilan ang sinomang magtatangkang basagin ang matagal nang ‘paghahari-harian’ nila.

“Masyado namang garapalan na ang pagtatangkang iligwak ako sa District 5 race, ganun ba sila katakot na ma-challenge? Bakit, hindi ba nila kayang lumaban nang patas, kung walang kalaban?” dagdag ni Lin.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment