RADIO ANCHOR PATAY SA SAKSAK

NEGROS ORIENTAL – Patay sa pananaksak ang isang radio broadcaster noong Linggo ng gabi sa Barangay Himocdongan sa bayan ng Mabinay sa lalawigang ito.

Ayon kay Police Maj. Paul Vincent Dumaguing, hepe ng Mabinay Police Station, pinaslang noong Linggo ng gabi ang radio anchor and commentator na si Rey Blanco, ng  Power 102.1 DYRY RFM  radio station.

Lumitaw sa pagsisiyasat, nagtungo si Blanco sa bahay ng kapatid ng suspek kung saan nagkaroon sila ang mainitang pagtatalo.

“There the suspect suddenly appeared from behind and without any apparent reason stabbed the victim using a bladed weapon hitting on the victim’s neck,” ani Dumaguing base sa kanilang report.

Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Mabinay Community Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek sa pananaksak na kinilalang si Charles Yanoc Amada.

Kinondena ng  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na pinamumunuan ni Joel SY Egco, ang naganap na pagpatay sa isa na namang kasapi ng media kasabay ng pagtiyak na makakamit ng pamilya ng biktima ang hustisya.

Ayon kay Security Vanguard, and Police Regional Office (PRO) 7 Vanguard P/Lt. Col Maria Aurora L. Rayos, kasalukuyan nang nakadetine ang suspek sa Mabinay Police Station. (JESSE KABEL)

283

Related posts

Leave a Comment