RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

DINAMBA ng Malabon City Police ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa lungsod.

Kalaboso ang suspek na si Nico Fernando, 21, binata, obrero, ng Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi noong Nobyembre 9 nang dakpin ng mga awtoridad si Fernando sa kanyang bahay.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Lylo, ng Malabon City RTC, sa kasong rape.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek. (ALAIN AJERO)

37

Related posts

Leave a Comment